Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Tampok

Salik na Dapat Isaalang-alang Upang Maging Matagumpay sa Pagtuturo ng Wika"

 May mga salik na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa pagtuturo ng wika. Para sa akin, kailangang muna isaisip lagi ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto nito. Ang ilan sa mga salik na may kaugnayan sa pagkatuto ng wika ay ang antas ng intelektwal na pag-unlad ng mag-aaral, haba o antas ng interes o atensyon at panatag na kalooban sa klasrum ng estudyante. Mahalaga rin ang intrinsik o panloob at ekstrinsik o panlabas na motibasyon. Kasi, kung walang interes o motibasyon ang mga mag-aaral, wala ring patutunguhan ang pagtuturo ng wika. Guro ang namamahala sa paghahanda ng mga makabuluhang gawain sa pagkatuto, karagdagang motibasyon sa mga mag-aaral at regular na pagtataya ng kanilang pag-unlad sa pag-aaral. Bukod sa mga nabanggit, napakahalagang may malawak na kabatiran ang guro sa asignaturang kanyang itinuturo. Wika nga, “Hindi maibabahagi ng guro ang anumang bagay na hindi niya taglay.” Upang maging matagumpay sa pagtuturo ng wika kailangang sanayin ng isang guro ...

Mga Pinakabagong Post