Salik na Dapat Isaalang-alang Upang Maging Matagumpay sa Pagtuturo ng Wika"
May mga salik na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa pagtuturo ng wika. Para sa akin, kailangang muna isaisip lagi ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto nito. Ang ilan sa mga salik na may kaugnayan sa pagkatuto ng wika ay ang antas ng intelektwal na pag-unlad ng mag-aaral, haba o antas ng interes o atensyon at panatag na kalooban sa klasrum ng estudyante. Mahalaga rin ang intrinsik o panloob at ekstrinsik o panlabas na motibasyon. Kasi, kung walang interes o motibasyon ang mga mag-aaral, wala ring patutunguhan ang pagtuturo ng wika. Guro ang namamahala sa paghahanda ng mga makabuluhang gawain sa pagkatuto, karagdagang motibasyon sa mga mag-aaral at regular na pagtataya ng kanilang pag-unlad sa pag-aaral. Bukod sa mga nabanggit, napakahalagang may malawak na kabatiran ang guro sa asignaturang kanyang itinuturo. Wika nga, “Hindi maibabahagi ng guro ang anumang bagay na hindi niya taglay.” Upang maging matagumpay sa pagtuturo ng wika kailangang sanayin ng isang guro ang asignaturang kanyang ituturo sa kanyang mga mag-aaral. Dapat na maghanda ang guro ng istrayehiya na makakapukaw sa atensyon ng kanyang mga mag-aaral. Kawili-wili at nakapupukaw ng interes ang paggamit sa klasrum ng mga
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento